SWAK sa kulungan ang isang welder nang ireklamo ng ina ng 5 taon gulang na batang babae nang madiskubre nitong pinagsamantalahan ng suspek ang biktima linggo ng hapon July 7, sa loob ng kanilang bahay sa Tulay 16 San Roque, Navotas City.
Kinilala ang suspek na si Jessie Pablo y Vicente, 56, may asawa, ng Tulay 16 ng nasabing barangay.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni Sp01 Belany Diz0n ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas pulis, dakong alas 4:00 ng hapon ng abusuhin ng suspek ang biktima sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.
Base sa reklamo ni Sheryl Vicente, 36, ng Tulay 16 ng nasabing barangay nakaramdam ng pananakit at pamamaga ng vagina ang bata kaya agad nilang dinala sa ospital.
Kinumpirma ng doctor na ang biktima ay positibong ginalaw ang vagina nito at dito na ipinagtapat ng biktima ang suspek.
Agad nagsampa ng reklamo sa pulisya ang pamilya at naaresto ang suspek sa isinagawang follow up operation nina Sp01 Alexander Acusin at kasamahan nito.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 statutory rape ang suspek sa piskalya ng lungsod.
The post 5-anyos na babae hinalay ng kapitbahay appeared first on Remate.