Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Parak lagas, grade 2 pupil sugatan sa Batangas school ambush

$
0
0

Update: PATAY sa pamamaril ang isang pulis habang nadamay naman at nasugatan ang isang elementary pupil matapos ambushin ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan  sa Batangas (Hulyo 8).

Dead on arrival sa Rosales Hospital ang biktimang si P02 Dominic Bituin,  sanhi ng tinamong tama ng bala ng 9mm pistol sa ulo , miyembro siya ng Provincial Special Operations Group ng Batangas PNP.

Ginagamot naman sa Villa Hospital sa Lipa City ang isa pang biktima na si John Rios Catibog,8-anyos sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib , isang grade 2 pupil ng Padre Garcia Elementary School sa Padre Garcia, Batangas ang naturang bata.

Ikinasa na ng pulisya ang pagtugis sa mga suspect  para panagutin sa krimen pero blangko pa sila kung ano ang tunay na motibo sa pagpatay kay Bituin.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6:55 ng umaga sa loob mismo ng compound ng Padre Garcia Elementary School sa Padre Garcia, Batangas.

Bago ito, sa hindi pa malamang kadahilanan ay magkasabay sina Bituin at si Catibog na naglalakad sa loob ng school compound nang lapitan ng isa sa mga suspect na nakasuot ng kulay abong damit  at pagbabarilin si Bituin.

Nadamay naman si Catibog dahil halos kasabay ito ni Bituin sa paglakakad sa loob ng eskuwelahan.

Hindi naman maipaliwanag kung ano ang ginagawa ni Bituin sa loob ng nasabing eskuwelahan dahil nabatid na hindi magkaano-ano ang dalawa.

The post Parak lagas, grade 2 pupil sugatan sa Batangas school ambush appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>