HINIMOK ng bagong upong Caloocan City Rep. Edgar Erice ang mga kasamahang kongresista na komunsulta sa kani-kanilang distrito upang pulsuhan kung dapat bang kanselahin o ituloy ang pagdaraos ng eleksyon sa Sangguniang Kabataan.
Isama na rin aniya sa dapat ikonsulta sa kani-kanilang mga barangay officials kung pabor ba ang mga ito na buwagin na ang SK.
Kailangan aniyang madaliin ang mga ganitong hakbangin upang magkaroon pa ng sapat na panahon ang pamahalaan na paghandaan dahil makatitipid aniya ng P1.1 bilyon ang gobyerno kapag naikansela ang eleksyon sa Oktubre.
“The billion peso budget can be reverted to the national treasury and re-allocated to increase appropriations for new schoolbuildings,” ani Erice.
Tinawag din ni Erice na “school for korapsyon” ang SK kung kaya naghain ito ng House Bill 1122 na humihiling ng pagbuwag sa SK at pagkansela sa nalalapit nitong eleksyon.
Sinuportahan naman ni Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento ang apela ni Erice sa mga kongresista upang agad aniya itong maisalang sa pagbubukas ng 16th Congress sa July 22.
Maging sina re-elected Reps. Magi Gunigundo (Lakas-CMD, Valenzuela City) at Reynaldo Umali (LP, Mindoro Oriental) ay nagsabing muli nilang ihahain ang panukalang tuwirang pagbuwag sa SK.
The post Pagbuwag sa SK at kanselasyon ng eleksyon ginagapang na sa Kamara appeared first on Remate.