PARARANGALAN ng Kamara ang misis ni Filipino boxing superstar Nonito Donaire Jr. na si Rachel dahil sa pagsagip sa isang batang nalulunod sa kabila ng siyam na buwan na kanyang ipinagbubuntis.
Sinabi nina Davao Rep. Karlos Alexei Nograles , Iloilo Rep. Jerry Trenas at Western Samara Rep. Mel Senen Sarmiento na sila ay maghahain ng resolusyon upang bigyang pagkilala ang kabayanihang ipinakita ni Rachel at binalewala ang maselang kalagayan.
Pinapakuha na sa ngayon ang detalye sa insidente upang mairekomenda na nila ang kaukulang pagkilala kay Mrs. Donaire.
Tulad ng misis ng boksingero at ibang Filipino ay nagbigay din ito ng karangalan sa bansa kaya dapat lang suportahan at hindi tulad ng iba na nagbibigay lang ng kahihiyan tulad ng mga nahatulang drug mule.
Base sa inisyal na imbestigasyon, si Rachel at mga kaibigan nito ay nagpi-picnic para sa selebrasyon ng 4th of July nang bigla na lang mawala habang nagsu-swimming ang anak ng kaibigan nito.
Kaagad na tumalon sa tubig si Mrs. Donaire at sinagip ang batang nalulunod.
Kaagad namang dinala rin sa pagamutan hindi lamang ang batang muntik ng malunod kundi mismong si Ginang Donaire upang matiyak na maayos ang kagalayan nilang mag-ina.
The post 9-month preggy na misis ni Donaire, sumagip ng nalulunod appeared first on Remate.