BAWAL na ang paggamit ng mga produktong skin whitening na gawa ng Kanebo cosmetics ng Japan, ayon sa direktiba ng Food and Drug Administration (FDA) ngayong araw, Hulyo 7, 2013 (Linggo).
Bunsod ito ng mga reklamo mula sa mga gumagamit ng nasabing mga produkto na kapag ginamit ay tinubuan ang kanilang balat ng “white blotches”.
Iniulat ng FDA na ipinaalis na nila sa mga pamilihan ang lahat ng mga Kanebo product na may Rhododenol, isang quasi-drug ingredient na kilala rin sa tawag na 4HPB.
Idineklara rin ng lokal na tanggapan ng Kanebo na ipinabawi na nila ang 17 produktong skin care na ibinebenta sa Pilipinas.
Nanawagan pa sa mga consumer ang kumpanya ng beauty product na itigil na ang paggamit ng mga nasabing produkto nang napatunayan na ang Rhododenol ang dahilan ng “white blotches.”
The post Kanebo skin whitening products, bawal na appeared first on Remate.