DAKIP ang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Mahayahay, Lingig, Surigao Del Sur.
Nahuli ang suspek na si Elpidio Gomez alyas “Rambo”, ika-15 most wanted person sa Caraga Region dahil sa kasong double murder at 12 taon nang nagtatago.
Inaresto si Gomez sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ermilindo Andal ng Regional Trial Court (RTC) Branch VI ng Prosperidad, Agusan del Sur.
Nabatid na si Gomez ay hinirang bilang ikalawang secretary ng NPA mula 1994 at 2004.
The post NPA member arestado sa Surigao appeared first on Remate.