NAGLABAS ngayon ng guidelines ang Korte Suprema para sa pag-arangkada ng oral argument sa RH law sa Martes, July 9.
Sa nilagdaang 15 pahinang SC en banc amended advisory ni Clerk of Coyrt Atty.Enriqueta Vidal, itinakda ng hukuman ang dalawang araw na pagdinig sa July 9 at July 23.
Bibigyan naman ng pantay na oras na 55 minuto para maglahad ng arhgmento ang mga kampo ng petisyuner at respondent.
Sina dating Senador Francisco tatad, Atty. Maria Concepcion Noche, Atty.Luisito Liban , dating Senate President Aquilino Pimentel at atty.Luis Ma. Gil Gana naman ang maglalahad ng argumento ng mga petisyuner .
Maari namang magtanong ang bawat mahistrado ng SC matapos ang argumento ng isang speaker.
Sakali namang hindi matapos sa July 9, ang argumento ay ipagpapatuloy naman ito sa July 23.
Ayon pa sa SC, magpapatupad din ng ‘no pass, no entry” policy.
Maglalagay din ng monitor sa tatlong remote areas kabilang na ang division hearing room at main lobby na nakareserba para sa media at sa Court of Appeals auditorium.
The post Panuntunan sa oral argument sa RH Law, ipinalabas ng SC appeared first on Remate.