Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

PNoy, dedma pa rin sa cha-cha

$
0
0

IBINASURA ni Pangulong Benigno Aquino III ang panawagan ng 13 business groups na amyendahan ang economic provisions ng Saligang Batas o Charter Change (Chacha) hanggang sa magtapos ang termino nito sa 2016.

Ang 13 business groups ay kinabibilangan ng Joint Foreign Chambers of Commerce, Philippine Chamber of Commerce and Industry, Makati Business Club at Employers Confederation of the Philippines.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na wala kasing nakikitang dahilan si Pangulong Aquino para subukang isayaw ang cha-cha .

Posible naman, aniyang, magbago ang posisyon ng Pangulong Aquino sa usaping ito kung may isang taong makakapag-bigay kasagutan sa Chief Executive kung ano talaga ang pangangailangan na amyendahan niya ang economic provisions ng  Konstitusyon.

“Siguro, until that time that someone is able to answer the question of the President, it will remain to not be a priority,” ang pahayag ng opisyal.

Samantala, dahil walang makasagot ng katanungan ng Pangulong Aquino sa pangangailangan na maamyendahan ang economic provisions ng Saligang Batas ay malabo rin, aniyang, maitulak ang political change.

Hanggang sa ngayon, aniya, ay hindi naman pinag-aaralan ng legal team ni Pangulong Aquino ang bagay na ito.

The post PNoy, dedma pa rin sa cha-cha appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>