Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

8 whitening products, binawi sa merkado

$
0
0

IPINAG-UTOS ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pag-recall sa walong whitening products matapos na madiskubreng nagtataglay ito ng Rhododenol o sangkap na nagiging sanhi nang pagkakaroon ng hindi pantay na kulay ng balat at mga puting mantsa o marka sa balat.

Batay sa FDA advisory, ang mga naturang produkto ay kinabibilangan ng:  (1) Kanebo BLANCHIR SUPERIOR (White Deep Clear Conditioner (all 7 items), White Deep Milky Conditioner (all 3 items), White Deep Night Conditioner (all 4 items), White Deep Mask at White Deep UV Day Protector);  (2) SUISAI (Whitening Essence); (3) TWANY (Esthetude White Lotion (all 6 items), Esthetude White UV Protect Serum, Esthetude White Clear Tight Mask, at Century The Lotion (all 2 items)); (4) IMPRESS (IC White Lotion (all 2 items), IC White Emulsion (all 2 items), IC White Fit Mask 3D at Granmula Lotion); (5) AQUALEAF (MCT Whitening Essence); (6) LISSAGE brands (White Skin Maintenizer (all 8 items), White Whitening Repair Cream, White Trial Set (all 4 items), at Beauté Circu Lead); (7) E’quipe brands RMK (Skintuner Brightening (both 2 items) at Intensive Brightening Essence) at (8) SUQQU (Whitening Repair Essence, Whitening Lotion at Whitening Barrier Emulsion).

Nabatid na ang mga naturang produkto ay pawang gawa ng Kanebo Cosmetics Inc., at boluntaryo na ring ni-recall sa iba pang Asian markets.

“The Philippine FDA hereby recalls all products that were issued market authorization and to ban other products manufactured by Kanebo that contain Rhododenol, a substance contained in the skin-whitening or brightening products that was developed by Kanebo and have been reported or implicated to cause white blotches and uneven coloring of the skin,” anang FDA.

Ayon sa FDA, ang Rhodenol ay nagpapaputi ng balat sa pamamagitan nang pagpigil sa produksiyon ng melanin, na pangunahing determinant ng kulay ng balat.

Boluntaryo na rin umanong ni-recall ng Kanebo Cosmetics Inc., Lissage Ltd. and E’quipe, Ltd. ang mga Kanebo products sa Japan, Taiwan, Hong Kong, South Korea, Thailand, Singapore, Malaysia, Indonesia, Myanmar, Philippines, ay Vietnam simula pa noong Hulyo 4.

The post 8 whitening products, binawi sa merkado appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>