Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bishop Palma, walang balak pahabain ang termino sa CBCP

$
0
0

WALA na umanong intensiyon pa si incumbent Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Cebu Archbishop Jose Palma na muli pang maluklok bilang pangulo ng CBCP.

Ang pahayag ni Palma ay kasunod nang pagdaraos ng CBCP ng kanilang ika-107 plenary assembly kahapon (Sabado) kung saan isa sa mga agenda ng mga obispo ay ang paghahalal ng mga bagong opisyal ng kanilang samahan.
Ayon kay Palma, sapat na ang isang termino bilang head ng CBCP at ayaw na niyang muli pang maluklok sa pwesto.

Nais rin aniya niyang makapaglaan ng mas maraming panahon sa kanyang pastoral works sa Cebu.

Sinabi ni Palma na hihilingin rin niya sa kanyang mga kasamahang Obispo na huwag na siyang muling ihalal pa.

Iginiit rin nito na marami pang Obispo na karapat-dapat at kuwalipikado para sa pwesto.

“I’m going to tell the plenum to please elect somebody else,” ani Palma.

“There are many bishops who are also capable (of the task). Cebu is a very big archdiocese and I have tons of work to do there but I cannot do that since I’m here,”  dagdag pa ng CBCP president.

Sina Palma at CBCP vice president, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ay kapwa nasa unang termino pa lamang ng kanilang panunungkulan.
Alinsunod sa tradisyon, mahahalal muli ang dalawang opisyal para sa kanilang ikalawang termino.

Ang CBCP ay binubuo g 99 aktibong Obispo at 32-honorary bishops o mga bishop emeritus.
Nasa mahigit 90 obispong ito ang dumalo sa naturang regular na plenary assembly na kasalukuyang idinaraos sa Pius XII Catholic Center sa Paco, Manila at inaasahang magtatapos bukas, Lunes (Hulyo 8).

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, na dati ring naging pangulo ng CBCP, dalawang beses isang taon o tuwing Enero at Hulyo ay isinasagawa ang plenary assembly.

Naghalalal aniya sila ng mga bagong opisyal ng CBCP tuwing ikalawang taon na may dalawang taong termino.

Bukod naman sa eleksiyon, inaasahang ilalatag din nila sa kapulungan ang mga naunang isyu na tinalakay ng Permanent Council at iba’t-ibang Episcopal Commissions.

Ani Cruz, ang mga agenda sa CBCP plenary assembly ay base sa kahalagahan ng o urgency ng mga usaping panlipunan na maging sentro ng ilalabas na Pastoral statement sa pagtatapos ng pagpupulong.

May mga pagkakataon rin naman aniyang wala silang inilalabas na Pastoral letter bagama’t karaniwan aniya ay laging mayroon.

Samantala, kaugnay nito, hinimok naman ng Association of Major Religious Superior of the Philippines (AMRSP) ang mga Obispo na ilatag sa kanilang plenary assembly ang kanilang tunay na obserbasyon sa kalagayan ng bansa sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Umaasa si AMRSP for Men Executive Director Fr. Marlon Lacal na isasama ng mga Obispo sa tatalakayin ang sitwasyon ng bansa na may kinalaman sa usapin ng karapatang pantao, agrarian reform, on-going demolition sa mga maralitang taga-lungsod,kahirapan at ang pag-iingat sa kalikasan laban sa illegal logging at mining.

Naniniwala si Lacal na kung matutukoy na ang problema ay magkakaroon ng “critical collaboration” ang Simbahan at gobyerno para matugunan ang pangunahing pangangailangan tungo sa kaunlaran.

The post Bishop Palma, walang balak pahabain ang termino sa CBCP appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>