ASAHAN na umano ang pagtaas sa presyo ng mga gulay o agricultural products ngayong patuloy ang pag-ulan sa buong bansa.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Salvador Salacup, ito’y sa kadahilanang magpapalit ng tanim ang mga magsasaka tuwing panahon ng tag-ulan.
Dagdag pa ni Salacup, isa sa nagiging dahilan sa pagtaas ng presyo ng gulay ay dahil sa pagkakasira ng mga tulay o daan dulot ng flash floods.
Sa ngayon, nakakaramdam na ng bahagyang paggalaw sa presyo ng agricultural products sa kalakhang Maynila.
The post Presyo ng gulay tataas appeared first on Remate.