Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagdinig sa kasong extortion sa 3 pulis ipinagpaliban

$
0
0

IPINAGPALIBAN ng Quezon City court ang pagdinig  sa  kasong extortion sa tatlong pulis matapos kotongan ang isang sales  agent dahil sa kasong droga at alarm and  scandal  nitong nakalipas na  buwan.

Ayon sa Quezon City Regional Trial Court Branch 81 Judge Madonna Echiverri ipinagpaliban ang pagdinig sa mga akusadong sina Police  Officers 1 Ryan Parungo, Ronnel Biag at  Dennis Maagda  nitong Hulyo 16, 2013.

Ayon sa korte  inilipat  ang pagdinig  dahil  ang  public  prosecutor  ay dadalo ng seminar ngayong araw.

Nabatid sa ulat  na ang mga  pulis  ay kinasuhan  ng robbery-extortion habang ang kanilang kasamang  sibilyan na si John  Domenic  Laudio  ay  kinasuhan ng  robbery and usurpation of authorithy dahil sa pagpapanggap  na pulis.

Sinabi sa ulat  na  si Laudio at  ang  tatlong pulis  ay inaresto nitong nakalipas na  Hunyo 13, dahil sa reklamo  ng 29-taong  gulang na  sales agent mula sa  Cavite  na nagsabi na pinilit siyang  kotongan  ng mga suspek ng  pera.

Nauna  rito dinakip  ng mga pulis  ang  complainant  nitong nakalipas na  Hunyo 12, 2013 habang nasa  fast  food  outlet    kasama  ang  isang  lalaki na  nag-alok ng panandaliang aliw.

The post Pagdinig sa kasong extortion sa 3 pulis ipinagpaliban appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>