WALA pang panahon at pagkakataon si Pangulong Benigno Aquino III para pag-usapan ang panukalang pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas sa Filipinas.
Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, hindi pa nagkaroon ng pagkakataon at panahon si Pangulong Aquino na talakayin ang isyung ito.
“Pasensiya na, wala pa kaming discussion on that kasi e so, hindi pa namin napag-uusapan ‘yung isyung ‘yan on the “Pilipinas” to “Filipinas.” We have not discussed it yet,” ani Sec. Lacierda.
Iyon ay sa kabila aniya ng may mga inilatag na kadahilanan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa gagawing pagpapalit ng Pilipinas sa Filipinas.
“May reasons nilabas ang Komisyon ng Wikang Filipino so, hindi pa namin napag-uusapan ‘yung kanilang… Napanood ko na na-interview si Ginoong Almario. But, in terms of kung merong official discussion pa, wala pa ho kaming napag-uusapan tungkol diyan,” aniya pa rin.
Sinabi pa ni Sec. Lacierda na mandato ng Komisyon ng Wikang Filipino ang magparating ng kanilang rekomendasyon kay Pangulong Aquino kaya hindi aniya dapat sabihin ng publiko na mas maraming bagay ang dapat na pag-ukulan ng pansin nito sa halip na igiit na palitan ang pangalan ng Pilipinas.
Sa ulat, sa inilabas na resolusyon ng KWF noong Abril 12 ay nakasaad dito na layunin ng KWF na palitan ng Filipinas ang Pilipinas upang i- promote ang official at modern name ng bansa.
“Let us see what the various sectors’ reaction will be,” ang pahayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte sabay sabing “there is no letter “f” in the Filipino alphabet before and so Pilipinas was used.”
The post PNoy wala pang panahon sa usaping ‘P’ at ‘F’ appeared first on Remate.