DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang manager ng isang bangko makaraang magbigti sa loob mismo ng kanyang bahay sa Lower Alta Tiera Subdivision, Brgy. Tiguma, Pagadian City kaninang umaga.
Sa ulat ng Pagadian City police station, nagpatiwakal si Jeremy Manco Ramirez, 43, manager ng kabubukas na branch ng Asian United Bank sa Rizal Avenue, naturang lungsod.
Natuklasan ng kaanak ng biktima ang bangkay nito bandang alas-11:50 ng umaga na nakabitin sa kanilang kisame at may tali ng cable wire sa kanyang leeg.
Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, sobrang depresyon sa kanyang trabaho ang naging dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya at tinitingnan kung may foul play sa pagpakamatay ni Ramirez.
The post Dahil sa depresyon: Bank manager nagbigti appeared first on Remate.