Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kelot inutas ng mister ng kalaguyo

$
0
0

TODAS ang isang lalaki nang patraydor na barilin ng mister ng kanyang karelasyon sa Brgy. Longos Malabon City.

Dead on spot sa pinangyarihan ng krimen si Romeo Cabading, 33, ng Blk 22 Hernandes St., Catmon sanhi ng isang tama ng di pa batid na kalibre ng baril sa likuran ng ulo nito.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang  suspek na nakilala lamang sa alyas na Balut ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat, alas 3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Blk 9C Phase 2. Area 2, Labahita St. Longos, Malabon City.

Nabatid na nakatayo ang biktima ng palihim na lapitan mula sa likuran ng suspek at agad na binaril sa ulo.

Nauna sa krimen, nabatid na nakarating sa kaalaman ng suspek habang nasa kulungan ang relasyon ng kanyang misis at ng biktima.

Kaya nang makalaya si Balut ay agad niyang isinagawa ang krimen.

The post Kelot inutas ng mister ng kalaguyo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>