DAHIL sa sakit na diabetes at hindi pag-uwi ng misis na nasa abroad kaya nagawang magbigti ng isang mister gamit ang nylon cord sa Brgy. Poblacion West, Pugo, La Union.
Nabatid na nagpatiwakal si Bob Villien, may asawa, tubong Barangay Poblacion, Bacnotan, La Union at kasalukuyang nanunuluyan sa naturang lugar.
Ayon kay Agustin Dacanay, 78, may-ari ng bahay kung saan tumutuloy ang biktima, tinawag niya ito upang kumain ngunit nagulat na lamang siya nang gumulantang sa kanya ang bangkay ng biktima na nakabitin.
Base sa pahayag ni Dacanay, ilang araw na nilang napapansing malungkot ito at sinasabing gusto nang magpakamatay dahil sa iniinda niyang sakit na diabetes at hindi na pag-uwi ng asawang nasa abroad.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing insidente.
The post Mister na hindi inuwi ng misis, nagbigti appeared first on Remate.