TUKOY na ng Quezon City Police District ang may-ari ng sasakyan ng isang malaking TV network na ginamit sa tangkang panghahalay sa 13-anyos na grade 8 student.
Ayon sa Quezon City Police District, sa isang babae nakapangalan ang pulang Honda Jazz (ZRD-461) na ang nagmamanehong lalaki ay nagtangkang humalay sa 13-anyos na dalagita na nag-aaral sa Ramon Magsaysay High School.
Sinabi ni QCPD station 10 Kamuning chief Supt. Marcelino Pedrozo, ayaw muna niyang ipabanggit ang pangalan ng nagmamay-ari ng sasakyan na nakapangalan sa TV network subalit ibinenta na sa isang empleyado rin ng naturang kumpanya.
Nabatid sa ulat na natukoy sa LTO ang sasakyan matapos matandaan at maisulat ng grade 8 pupil ang plaka ng sasakyan ng suspek na nagtangkang manghalay sa kanya noong umaga ng Lunes, Hulyo 1, 2013.
Sa salaysay ng biktima sa pulisya, alas-5:30 ng umaga habang naglalakad siya at papasok sa kanilang eskwelahan nang tumigil sa kayang harapan ang naturang kotse.
Kunwari’y nagtanong ang driver ng kotse na lalaki hanggang sa bigla na lamang siyang haltaking papasok sa loob ng kotse.
The post Sasakyan ng TV network na ginamit sa tangkang panghahalay tukoy na appeared first on Remate.