PAPATAWAN ng anim na taong pagkabilanggo at multang P500,000 ang sinumang magsasagawa ng diskriminasyon sa babae man o sa lalaki.
Sa kanyang panukala ay sinabi ni Dinagat Island Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao na dapat parusan at pagmultahin ang magdi-discriminate sa alinmang public service kasama na ang sa militar at pulisya.
Binigyang diin ng kongresista sa House Bill No. 110 na bawat isa ay dapat mabigyan ng patas na trato.
Giit ng kongresista na ang Pilipinas ay sumusuporta at lumagda sa iba’t ibang international agreement na naglalayong proteksyunan ang karapatang pantao ng lahat anuman ang sexual orientation nito.
Ipinagbabawal sa ilalim ng panukala ang mapigilan ang pagbatay sa gender identity sa pagtanggap sa trabaho, pag-promote o pagsibak sa isang empleyado, maging ang pagbibigay kompensasyon o insentibo.
The post Anti-discrimination bill inihaing muli appeared first on Remate.