Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

CBCP nakiramay sa pamilya ng Pinay na binitay

$
0
0

NAGPAHAYAG ng pakikiramay ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pamilya ng Pinay na binitay sa China dahil sa pagpupuslit ng ilegal na droga kamakalawa.

Ayon kay Fr. Edwin Corros, executive secretary ng Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (ECMI) ng CBCP, na ipinagdarasal rin nila na magkaroon ng lakas ng loob ang pamilya ng Pinay na harapin ang pinagdaraanang pagdadalamhati ng mga ito sa ngayon.

Iginiit ng CBCP official na anumang kamalian o batikos ang tinanggap o nagawa ng binitay na Pinay worker ay marapat lamang makiramay bilang Kristiyano sa kaluluwa ng pumanaw.

Kaugnay nito, nanawagan si Corros sa lahat, lalo na yaong nais maging overseas Filipino worker (OFW) na huwag isiping pangingibang-bansa lamang ang sagot sa kanilang nais na kasaganaan.

Pinayuhan rin niya ang mga ito na maging mapanuri bago magtrabaho sa ibang bansa.

Ipinaliwanag ni Corros na dapat isipin ng mga OFW na malaki ang pagkakaiba ng tradisyon, paniniwala, lalo na ang mga batas ng mga ibang bansa kumpara dito sa Pilipinas, na dapat sundin at igalang.

Hinimok rin nito ang mga OFW na tiyaking maayos ang kanilang mga dokumento at huwag magpagamit sa mga sindikato upang hindi malagay sa alanganin sa ibang bansa.

“Sa mga nais pang mag-aboard, isaalang-alang lagi nila ang gumawa ng hakbang na magreresulta sa mga ganitong sitwasyon gaya sa nagaganap ngayon, isipin nila na pag sila ay nag-abroad, bago sila gumawa ng hakbang na magreresulta sa ganitong kaganapan ay lumapit na agad sila sa ating pamahalaan,” ani Corros, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Base sa datos, umaabot ng 4,500 Filipino ang nangingibang bansa kada araw, kung saan aabot sa 9.5 hanggang 12.5 million ang mga OFW na nakadeploy sa iba’t ibang mga bansa sa buong mundo.

Sa China pa lamang naman, 213 drug-related cases na ang kinasasangkutan ng mga Pinoy kung saan 28 sa mga ito ang may hatol na kamatayan.

The post CBCP nakiramay sa pamilya ng Pinay na binitay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>