NANANAWAGAN sa pamahalaan ang isang kandidato sa pagkaalkalde sa Baybay City, Leyte na kumilos upang matuldukan ang paglabag sa karapatang pantao at pag-abuso ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police.
Ibinunyag ngayon sa ginanap na press conference ni mayoralty candidate Malot Veloso-Galenzoga ang ginawang pag-aresto nang magkasanib na puwersa ng sundalo at pulisya sa daan-daan niyang supporters nang walang warrant of arrest at ang pagsalakay sa bahay ni Galenzoga noong gabi ng June 30, 2013 nang walang bitbit na search warrant
Una rito, matapos ang thanksgiving mass ng kampo ni Galenzoga, nagtungo umano ang kanyang mga supporter sa City Hall at sa Legislative Building, ngunit nang nasa loob na ng bakuran ng city hall, binanatan umano ng isang police ang official photographer ni Galezoga.
Naging dahilan, aniya, ito upang kantyawan ng kanyang mga supporters ang mga police na dapat ay nangangasiwa o nangunguna sa pagpapatahimik.
Sa kabila aniya nito ay itinuloy nila ang maikling programa saka nag-uwian na ang lahat ng kanyang mga tagasuporta.
Gayunman, sinabi ni Galenzoga na bandang alas-8 ng gabi, hinanting umano siya ng pulis at mga sundalo sa lugar sa hindi niya malamang dahilan at pilit na pumapasok sa kanilang bahay subalit hindi pinapasok dahil sa kawalan ng warrant of arrest.
Bandang alas-3 umano ng madaling araw noong July 3, 2013, pinuwersahang pinasok ng mga pulis na walang name plate ang kanyang bahay kungsaan pinagsasaktan ang mga walang laban niyang supporter at binugbog ang kanyang photographer na si Rex Llagas.
Hanggang ngayon aniya ay patuloy na pinahihirapan sa loob ng jail ang mga naaresto niyang supporter.
Nagtataka rin, aniya, siya sa lumabas na ulat sa ilang broadsheet, na naglalaman ng kalahating milyong piso para siya maaresto gayong wala naman siyang kaso.
The post Panghaharas ng AFP at PNP, inireklamo ng mayoralty bet ng Baybay, Leyte appeared first on Remate.