MAKIKIALAM na ang Criminal Investigation and Detection Group, Anti Fraud Division ng Philippine National Police sa imbestigasyon laban sa mga dayuhan at Filipino doctors na nagsagawa ng stem cell therapy kay Dangerous Drug Board (DDB) Chairman Antonio “Bebot” Villar.
Ayon kay Atty. Claire Cayanan, legal counsel ni Villar inihahanda na nila ang kaso laban sa tatlo hanggang apat na German doctors, isang Pinoy na doktor at isang Thai nurse na isasampa nila sa Mandaluyong City fiscal’s office kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act 1959 o illegal practice of medicine.
Sinabi pa ni Cayanan na pinag-aaralan pa nila kung may posibleng pananagutan ang Edsa-Shangrila hotel kung saan isinagawa ang stem cell procedure kay Secretary Villar noong June 2012.
Batay sa impormasyong nakalap ng kampo ni Villar, may mga ahente daw ang grupo sa bansa pero di pa nila matiyak kung gaano na kalawak ang operasyon ng mga ito.
Sa panig naman ng Phil. Medical Association, sinabi ni Dr. Leo Olarte na hindi lehitimong doktor ang mga suspek kayat hinala nila na tubig lamang ang ginamit sa stem cell theraphy kay Secretary villar.
The post Palpak na stem cell therapy, inireklamo ni DDB Chairman Villar appeared first on Remate.