Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

UPDATE: 5 magkakamag-anak minasaker sa Pasay

$
0
0

KARUMAL-DUMAL ang pagkamatay ng limang katao kabilang ang magkakapatid at pinsan ng mga ito nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng dalawang motorsiklo habang naglalakad papauwi ang mga biktima galing sa kanilang masayang “gimik” kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Idineklarang dead on arrival sa Pasay City General Hospital ang mga magkakapatid na sina Chucky Dee Cruz, 22; Francisco Cruz III, 20 at Andrew Lloyd Cruz, 23 gayundin ang kanilang mga pinsan na sina Junior Diala, 23 at Raymart Saraza, 20 sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na pawang mga naninirahan sa 346 Magtibay St. Pasay City.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong armadong suspek na umano’y lulan ng dalawang hindi naplakahan na motorsiklo na agad tumakas matapos ang krimen.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodolfo Soquina ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police, alas-2:36 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Arnaiz Avenye at M. Dela Cruz St. nang nasabing lungsod.

Nauna rito, nagkayayaan umano ang magkakapatid na gumimik kasama ang kanilang mga pinsan kung saan ay napagkasunduan nilang uminum sa isang karaoke bar.

Matapos nilang uminom ay naglakad na sila papauwi hanggang pagdating nila sa nabatid na lugar na pinangyarihan ay sumulpot ang mga suspek at walang sabi sabing pinaputukan sila ng mga bitbit nitong baril.

Duguang humandusay ang mga biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang mga motorsiklo.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD) ang mga biktima ay pawang may mga tattoo sa ibat ibang bahagi ng katawan at may mga tatak na “lips” sa kanilang mga braso habang nakarekober naman ang mga awtoridad ng 18 pirasong basyo ng kalibre 40 baril sa pinangyarihan ng insidente.

Aminado naman ang lola ng mga biktima na nakilalang si Conchita Cruz na tuwing gumigimik ang kanyang mga apo ay walang kasamang barkada at sila- sila lamang ang lumalabas upang mag-inuman at magkantahan sa isang karaoke bar kung saan ay ilang beses na umano nitong nababalitaan na nasasangkot sa kaguluhan ang mga ito.

Samantala, inatasan na ni SPD Director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte si Senior Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police, na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa naganap na insidente at alamin din kung mayroon nakalagay na close circuit television (CCTV) camera sa pinangyarihan ng insidente upang makita at matukoy ang mga salarin.

Matapos atasan ni Villacorte ang kanyang kapulisan na beripikahin ang mga nasawing biktima, nakumpirma na din kahapon ng Pasay City Police na may kasong drugs na kinakaharap ang magkapatid na sina Chucky Dee Cruz at Andrew Lloyd Cruz kung saan ay magkasunod na naaresto noong buwan ng Hulyo at Setyembre nakaraang taon sa kasong paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Chief Inspector Joey Goforth ,hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police , nakumpirma nila sa tanggapan ng Station Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG) na may kinakaharap na kaso ang mga nabanggit ngunit nakapaglagak ng piyansa kaya’t pansamantala silang nakalaya.

Habang ang tatlong magpipinsan na sina Raymart Saraza, Francisco Cruz at Regelio Diala ay nasa watchlist ng Pasay City Police kaugnay din sa kasong droga.

Sinabi pa ni Goforth nagsasanib puwersa sila ngayon ng Makati City Police –Criminal Investigation Division sa pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa kaso dahil sa boundary ng Makati at Pasay City Police ang pinangyarihan ng insidente.

The post UPDATE: 5 magkakamag-anak minasaker sa Pasay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>