KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs na nabitay na kaninang umaga ang Pinay drug mule sa China.
Nagpahatid naman ang nasabing ahensiya ng pakikiramay sa pamilya ng Pinay sa pamamagitan ni spokesperson Raul Hernandez.
Una nang umapela ang pamilya ng Pinay sa gobyerno na huwag nang isapubliko ang detalye sa execution dito.
Plano ng pamilya ng 35-anyos na Pinay na i-cremate ang labi nito na kanilang iuuwi sa Navotas.
Ang nasabing Pinay ay nahuli sa China makaraang tangkang ipuslit ang bitbit na anim na kilo na heroin.
The post Pinay drug mule binitay na kaninang umaga-DFA appeared first on Remate.