NAISUMITE na ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang updated report kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa sex-for-flight investigation laban sa diplomatic official ng bansa sa Middle East.
Kasabay din, aniya, nito ay inihain din niya sa Pangulo ang mga aksyon na ginawa matapos ang insidente.
“I submitted to the President an update report on the matter and discussed with him the measures that we have undertaken–and continuously undertake–after the allegations have became public and complainants have surfaced,” sabi ng labor chief.
Tiniyak din, aniya, sa Pangulo na wala silang paliligtasin maging opisyal man ng DOLE o kawani na mapatutunayang lumabag sa batas.
“ I reiterated my earlier statement that no one in the DOLE will be spared if any official or employee is found to have violated our laws after a thorough and impartial investigation,” ani Baldoz.
Ayon sa kalihim, inatasan siya ng Pangulo na agad makipag-ugnayan kay Executive Secretary Paquito Ochoa sa sandaling matukoy na ang mga ipaghaharap ng demanda.
“I was instructed by the President that should the investigating team find a basis for the filing of criminal charges, I should coordinate with the Office of the Executive Secretary and the Secretary of Justice”, sabi pa ni Baldoz.
The post Ulat sa sex for flight, naisumite na kay PNoy appeared first on Remate.