TUMARAK ng back-to-back wins si Pinay woodpusher Janelle Mae Frayna sa sixth at penultimate round ng 4th Asian Indoor & Martial Arts Games Incheon 2013 women’s classical na ginaganap sa Yonsei University International Campus sa Korea.
Sumalo third to fifth place si No. 19 seed Frayna, (elo 2096) nang kaldagin muna nito sa round five si WFM Liu Yang Hazel, (elo 2059) sa Singapore bago pinisak sa round six si WIM Madina Davletbayeva, (elo 2260) ng Kazakhstan sa 48 sulungan ng gruenfeld kaninang umaga.
Nilista ni Frayna ng 4.5 points at makakaharap niya sa seventh at final round ang tournament top seeded at nangungunang si GM Yifan Hou, (elo 2595) ng China.
Si Hou ay may 5.5 puntos habang ang kababayan niyang si GM Zhao Xue na solo sa pangalawang puwesto ay may limang puntos.
Sa men’s classical kumana rin ng dalawang sunod na panalo si Pinoy GM Mark Paragua upang mapaganda ng bahagya ang puwesto papasok sa final round.
Winagwag ni No. 6 seed Paragua, (elo 2569) si IM Goh Wei Ming Kevin, (elo 2441) ng Singapore sa round five kagabi at pagkatapos ay si IM Nezad Husain Aziz, (elo 2394) ng Qatar naman ang pinisak nito sa 41 moves ng King’s Indian.
Ang World Cup bound Paragua ay may nalikom na 4 points at nasa 12th place ito kung saan ay makakaharap niya last round si GM Ahmed Al Medaihki Mohd, (elo 2546) ng Qatar.
Pumitik din ng isang puntos si No.4 seed Oliver Barbosa laban kay FM Kojima Shinya, (elo 2385) ng Japan upang ilista ang 3.5 points.
Nabigo si Barbosa sa fifth round laban kay tournament top seed at super GM Le Quang Liem ng Vietnam.
Makakaharap ni Barbosa sa huling laro si Sengupta Deep, (elo 2548).
The post Frayna puntirya ang top 3 sa Asian Indoor appeared first on Remate.