HINARANG ng Korte Suprema ang pag-usad ng kasong kriminal laban kay ex- Maj. General Carlos Garcia sa Sandiganbayan.
Ayon kay Atty. Theodore Te, nagpalabas ang Supreme Court Third Division ng Temporary Restraining Order laban sa pag-usad ng criminal proceedings sa kaso ni Garcia.
Iniutos din ng hukuman ang pagpigil sa promulgation ng judgment laban kay Garcia batay sa inaprubahang plea bargain deal ng Sandiganbayan.
Ang kautusan ng SC ay kasunod ng petition for certiorari ng Office of the Solicitor General na kumukwestiyon sa ginawang pagbasura ng Sandiganbayan Special Second Division sa kanilang motion for reconsideration.
Matatandaan na sa pagbasura ng Sandiganbayan sa apela ng OSG ay pinagtibay nito ang ligalidad plea deal ni Garcia kung saan siya ay hahatulan na lamang sa mas mababang kaso ng direct bribery sa halip na plunder.
Kapalit naman nito ay kinakailangang ibalik ni Garcia ang P135 milyong piso na halaga ng kanyang asset sa gobyerno.
The post Pagdinig sa kasong kriminal ni Carlos Garcia sa Sandiganbayan, pinigil ng SC appeared first on Remate.