DAHIL sa pag-ulan, sinuspindi ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang mga klase ng panghapon sa lahat ng antas sa pampublikong eskuwelahan sa nasabing lungsod.
Ayon kay Malapitan, baka tumaas ang baha sa mga eskuwelahan at mahirapan makauwi ang mga estudyante sakaling magpatuloy ang buhos ng ulan.
Sa mga pribadong eskuwelahan ay hinayaan na ni Malapitan kung sususpindihin din ang mga klase.
Dakong alas-10 ng umaga nang magpasiyang magsuspindi ng klase si Malapitan.
The post Klase sa panghapon, sinuspindi sa Caloocan City appeared first on Remate.