TATLONG puganteng Koreano na pawang mga wanted sa ibat-ibang krimen sa kanilang bansa ang dinakip Bureau of Immigration.
Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr., ang mga Koreano ay naaresto ng intelligence operatives ng bureau noong June 19, sa kanilang tirahan sa Citadella Executive Village sa Bgy. Casimiro, Las Piñas City.
Kinilala ang mga suspek na sina Park Inyup; Jin Young Min a.k.a. Lee Young Ho; and Kim Sang Baek a.k.a. Lee Chil Soo.
Dinampot ang tatlo sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad para hanapin sana ang isa pang Korean fugitive na pinaniniwalaang nagtatago sa bahay ng tatlo pero wala ito doon ng dumating ang operatiba ng BI.
Nang usisain ng BI agents ang tatlong Koreano ay doon nila napag-alaman na wala palang pasaporte at travel documents ang mga ito.
Ayon kay Atty. Ma. Antonette Mangrobang, BI acting intelligence chief, maliban sa pagiging overstaying, ipadedeport nila ang tatlo dahil sa pagkukubli ng kriminal.
The post 3 puganteng Koreano, naaresto – BI appeared first on Remate.