PALALAKASIN pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang monitoring system para matiyak na ang mga kabataan ay hindi makakasangkapan sa armed conflict.
Ito ang sinabi kaninang umaga (Hunyo 3) ni DSWD Secretary Corazon Soliman matapos lumabas sa listahan ng United Nations na ang Pilipinas ay isa sa 22 bansa sa buong mundo ay kinakasangkapan ang mga kabataan o mas kilala sa tawag na child warriors para isubo sa digmaan.
We are deeply concerned with this UN report and we want to know if there is truth (to) this. This government does not allow the recruitment of child warriors,” pahayag ni Soliman.
Ang DSWD’s Council for the Welfare of Children (CWC), na siya ang tserman ang magpapatupad aniya ng polisiya.
Base sa ulat, napuna ng DSWD na may 11 recorded incidents na may 23 kabataang lalaki at tatlong kababaihan na ang edad ay 12 hanggang 17 ay ni-recruit para isabak sa armed conflict noong 2012.
Ilan sa grupo na hinubog ang mga Pinoy na kabatan ay ang Abu Sayyaf, New People’s Army, Moro Islamic Liberation Front (MILF), at kahit na ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
The post Child warriors sa armed conflict, babantayan ng DSWD appeared first on Remate.