PLANONG ilatag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dalawang priority infrastructure projects sa Metro Manila na P3.03-billion Edsa-Taft Avenue flyover at ang P3.74-bilyon pagkumpuni sa 23-kilometer Edsa sa Agosto at Setyembre.
Sa DPWH midterm accomplishment report, sinabi na ang dalawang proyekto ay tinatayang tatagal ng halos isa at kalahating taon para makumpleto.
Ang detailed engineering designs ng nabanggit na dalawang proyekto ay nakumpleto noon pang nakaraang Abril.
Gayunman, sinabi ng DPWH na kumokonsulta pa sila sa iba’t- ibang ahensya kabilang ang Metropolitan Manila Council, bago ipatupad ang nasabing dalawang proyekto.
Noong Abril 2, inaprubahan ni President Benigno Aquino ang pagtitirik ng flyover sa Edsa at Taft Avenue sa Pasay City para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.
The post Edsa-Taft flyover uumpisahan sa Agosto appeared first on Remate.