Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Public school teacher sa QC ninakawan na, pinatay pa

$
0
0

NINAKAWAN na pinagsasaksak pa ng hindi nakikilalang kalalakihan ang isang public school teacher sa Barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City kaninang umaga.

Bukod sa tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan, pinalo rin ng kahoy ang ulo ng biktimang si Daniel Pagatpatan, 64-anyos. Si Pagatpatan ay nagtuturo bilang titser sa San Agustin Elementary School.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Joselito Ragasa, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natuklasan ang krimen dakong alas-9:45 ng umaga sa loob mismo ng bahay nito sa MCB 1 Subdivision, ng nabanggit na lugar.

Pero naganap, aniya, ang tunay na pagpatay sa pagitan ng 10 ng Linggo ng gabi hanggang 12 ng hatinggabi o mas higit pa dahil tinatayang may walong oras nang patay ang biktima.

Kabilang aniya sa mga nanakaw sa biktima ay tatlong cellphone, dalawang laptop at mga alahas at hindi malamang halaga ng pera.

Posible aniyang nanlaban si Pagapatan dahil nagkalat ang dugo sa loob ng bahay nito at ang huling ginagawa ng mga suspect para mapatahimik ito nang tuluyan ay ang pagpukpok sa ulo nito ng isang matigas na bagay.

The post Public school teacher sa QC ninakawan na, pinatay pa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>