TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Inatake ng mga rebeldeng grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) ang isang detachment ng Cafgu sa Maguindanao kagabi.
Ayon sa report, dakong alas-11:30 kagabi nang lusubin ang kampo sa Datu Unsay Maguindanao ng ilang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) kung saan nagtagal ng 10 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang panig.
Agad namang umatras ang mga rebelde nang dumating ang karagdagang pwersa ng militar.
Walang nasugatan sa panig ng mga Cafgu habang hindi pa matiyak sa grupo ng BIFM.
The post CAFGU detachment sa Maguindanao, inatake ng BIFM appeared first on Remate.