SINAGPANG at winasiwas ng National University Bulldogs ang defending five-time champion Ateneo Blue Eagles , 64-54 kahapon sa 76th UAAP men’s basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.
Milya ang lamang ng Bulldogs sa huling 5:31 minuto, 59-35 at dahil sa mga turnover ni back-to-back MVP Bobby Ray Parks Jr. ay dumagit ng 16-2 run ang Eagles upang ibaba sa 10 puntos ang hinahabol may 2:04 na lang sa orasan.
Sa rally ng Blue Eagles ay nagkomit si Parks ng 5-second violation sa pag-inbound ng bola sa backcourt at pagkataranta sa pagtawid ng bola sa halfcourt.
Bumawi naman agad si Parks sa kanyang mga error at isang pandiin na tres ang binitawan nito upang ilista ang unang panalo ng NU.
Tumikada ng 22 points, siyam na rebounds at apat na assists si Parks upang itarak din ang unang panalo nito sa Blue Eagles sa tatlong paglalaro nito sa NU.
Bumakas ng double-double si Cameroonian center Emmanuel Mbe na may 14 points at 15 rebounds habang may 13 si Dennis Villamor para sa Bulldogs.
Nagsumite naman ng 13 points si Juami Tiongson para sa Blue Eagles, na kumuha ng tig-10 kina Nico Elorde at Ryan Buenafe.
Samantala, sumali sa listahan ng mga opening day winners ang Adamson Falcons matapos dakmain ang 79-67 panalo kontra University of the Philippines Fighting Maroons.
The post Bulldogs sinakmal ang Blue Eagles appeared first on Remate.