SINIMULAN ni dating President Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pangalawang termino bilang representante sa ikalawang distrito ng Pampanga sa isang notary public.
Sinabi ng kanyang mister na si Mike, na ang nasabing pangyayari ay ikinasa sa Veterans Memorial Medical Center na pinagkukulungan ng kanyang misis sa kasong plunder.
Ilan pa sa sumaksi sa panunumpa ay ang anak nitong si Mikey, ang misis nitong si Angela at ang kanilang mga anak; at ang kanyang kapatid na si Arthur at misis na si Marites Macapagal.
Kabilang din sa mga sumaksi ang Chief-of-Staff ni Arroyo na si Elena Bautista Horn at ang abogado nitong si Raul Lambino at ilan sa mga constituent ni CGMA sa Pampanga.
The post CGMA nanumpa sa notary public appeared first on Remate.