LAOAG, ILOCOS NORTE – DADAGSANG muli ang mga Chinese national sa Pilipinas matapos ibalik sa normal ang direktang flights mula China tungo sa Pilipinas.
May 300 Chinese nationals ang dumalo sa inaugural flights kagabi mula sa mainland, China para pasyalan ang Pilipinas sakay ng China Airlines.
Dahil dito, umaasa ang mga taga-Ilocos na dagdagsa ang investors at positibo ito sa turismo ng lalawigan.
Ayon Kay Ilocos Rep. Rodolfo Fariñas, ang mga ganitong partnership ay makabubuti sa umaasim na diplomatic relationship ng Pilipinas at China.
“Medyo mapatatamis nito ang sabi nila ay maasim na relasyon ng Pilipinas at China,” ayon kay Fariñas.
Magugunitang itinigil ang direktang flights mula sa China tungo sa Pilipinas matapos ang madugong hostage-taking sa Luneta noong 2011.
The post Direktang flights mula China tungo sa Pinas, balik normal na appeared first on Remate.