Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagtanggal ng mandatory drug testing, pinaboran ng PISTON

$
0
0

PABOR ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa pagtatanggal ng Mandatory Drug testing dahil dagdag-gastusin lang ito sa mga PUV drivers at karaniwang motorista simula nang ipatupad ito noong 2002 bilang bahagi ng Comeprehensive Dangerous Drugs Act.

Noong sinasalang pa ang naturang batas sa kongreso at mariing nilabanan na ng PISTON noon pa man ang pagpapatupad ng private drug testing centers na magsasagawa ng mandated drug testing sa mga aplikante ng bago o renewal ng lisesnya ng mga drayber ng PUV at pribado.

Ayon kay George San Mateo, Pambansang Pangulo ng PISTON, noon pa man ay nagbabala na sila na magiging money-making at milking cow lamang ng gobyerno ang pagsasagawa ng mga drug testing ng mga private drug testing centers na nagpapataw ng malaking singil na karaniwan ay nasa P350 samantalang sa mga government hospitals ang karaniwang drug testing ay nasa P50 lamang. Nagresulta ito sa lalong pagtaas sa bayarin sa bagong application o renewal ng lisensya.

“Hindi naging epektibo at hindi naging garantiya na kapag makalusot sa mandatory private drug testing ay “drug-free” na ang drug-user dahil nga ang katangian ng testing ay “anticipated” ay mapapaghandaan ng aplikante ito sa ibat ibang paraan para makalusot. Lalo pa dahil pribado ang nagsasagawa ng drug testing ay walang monitoring at walang public accountability ang mga private drug testing centers. Bukod pa sa maraming napapaulat sa media na kaso na nakakalusot talaga ang mga drug-users ayon na din sa mga pahayag ni Sen. Sotto.,” saad pa ni san Mateo.

The post Pagtanggal ng mandatory drug testing, pinaboran ng PISTON appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>