MAY 339 mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang sumailalim sa apat at kalahating buwan na pag-aaral at pagsasanay tungkol a mga kurso na may kinalaman sa iba’t-ibang krimen, narkotiko at traffic investigations na isinagawa sa National Forensic Science Training Institute (NFSTI) ng’ Philippine Public Safety College (PPSC).
Ayon kay PPSC president Atty. Ruben R. Platon, ang mga bagong imbestigador na nagtapos ay ikakalat sa bansa.
Ayon kay Platon, guest of honor at speaker sa graduation na isinagawa sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna, ang mga nagtapos na imbestigador ay nagsanay sa ilalim ng Public Safety Crime Investigation and Detection Program (PS CRIDEC) na pinangasiwaan ng NFSTI.
Paliwanag ni Platon, ang nasabing programa ay binubuo ng tatlong kurso na kinabibilangan ng Public Safety Investigation and Detection Course, Public Safety Narcotics Investigation Course, at ang Public Safety Traffic Investigation Course.
Aniya, ang investigation at detection ang pinakamahalagang bahagi para sa mas epektibong pagpapatupad ng batas .
Ang nasabing programa ay bukas sa lahat ng uniformed personnel ng PAP, BFP, BJMP na may mga ranggong PO2, Fire Officer 2 (FO2), Jail Officer 2 (JO2 ), officers himng prkgram s law enforcement, the PPSC president exhorted the graduates to make use of their knowledge and skills for the best interest of the service.
The post 300 law enforcers sumailalim sa crime, narcotics training appeared first on Remate.