MISTULANG tinuldukan ng isang maliit na kompanya ng langis sa bansa ang sunod sunod na oil price hike na pinatupad sa pangunguna ng tinaguriang “Big 3 Oil Companies”, makaraang magpatupad ng bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo ang Flying V ngayong araw ng Sabado.
Batay sa inilabas na anunsiyo ng Flying V, dakong alas-12:00 ng hatinggabi sisimulan nilang ipatupad ang pagbawas ng 50 sentimos ng presyo ng kada litro ng ibinibentang gasolina at diesel.
Wala naman ginawang paggalaw ng presyo ng kanilang kerosene.
Inaasahan naman ang pagsunod ng pagbawas ng produktong petrolyo ang ibang kumpanya ng langis sa kabila na wala pang inilalabas na anunsyo ang mga ito
Ang bagong bawas-presyo ay bunga ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Kamakailan nagpatupad ng pagtaas ng kanilang produktong petrolyo ang timaguriang “Big 3” oil companies ng ikapitong oil price hike na P0.90 sa diesel at kerosene habang 45 sentimos naman sa gasoline dahil sa paggalaw ng contract price ng langis sa international market at paghina ng piso kontra dolyar.
The post Flying V nagpatupad ng roll back appeared first on Remate.