Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Para maging matagumpay na negosyante!

$
0
0

LAHAT tayo’y nangangarap na maging isang matagumpay na negosyante, kaya naman lahat ay gagawin natin para lamang maibenta ang ating iniaalok o di kaya naman ay maging successful sa kahit na anong negosyong alam nating kikita ngunit nangangailangan ng sobrang sipag at Maraming pagtitiyaga.

Narito ang ilang paraan kung paano makikipag-negotiate at kung paano maibebenta ang isang produkto para matagwag na matagumpay na negosyante.

1.    Make a prospect list—siyempre, kung nagbabalak na magsimula ng maliiit na negosyo at ito ay nasa larangan ng pagbebenta, ilista ang mga posibleng tao at kumpanya na nais puntahan. Kailangang magawa mo ito bago ka pa man magsimula. Maaaring mag-umpisa sa kamag-anak, sa mga kasama sa dating pinapasukang kompanya. Oo, alam ko mahirap mangumbinse  lalo na ng kamag-anak ngunit sila ang maaari mong maging tulay upang magkaroon ng mga referrals sa produktong iyong ibinebenta.

2.    Choose a business name that clicks—aba, kailangang unique o kakaiba ang pangalan ng negosyong iyong itatayo. Dahil alam mo naman ang Pinoy, basta bago sa pandinig at medyo kakaiba ito, tiyak susubukan. At siyempre, kapag iba ang tunog tiyak na ito’y dudumugin, kung magustuhan nila ang iyong serbisyo, kahit na hindi mo sabihing ‘balik po kayo,’ tiyak dadayo at dadayo yan upang kayo ay balikan at siguradong mayroonpang tangay yan na kaibigan o kamag-anak upang ang inyong serbisyo ay masubukan.

3.    Find that perfect location—isa sa mga mahirap hanapin ay ang lokasyon. Alam n’yo ba kung bakit?—dahil mayroong mga lugar na tinatawag na dead spot. Ibig sabihin, kahit na anong ganda ng inyong produkto kung wala ito sa tamang lugar, siguradong ang inyong mga parokyano ay langaw. Tandaan, kahit na anong business ang inyong pasukin, basta’t tama ang lugar na inyong pinagtatayuan, siguradong patok ito.

4.    Prepare business card—huwag na hwuag itong kalilimutan, kailangang kahit saan ka magpunta dapat ay lagi kang may dalang calling card dahil isa itong mabisang marketing tool. Sa dami ng mga naglalabasang modern gadget para sa communication, mas Maraming tao ang nagsasagawa ng kanilang negosyo sa pamamagitan lamgn ng telepono o computers. Huwag din kalilimutan kung ano ang inyong ino-offer bilang isang negosyante. Mas mura ito kaysa magbayad ng malalaking adverstising billboards upang makapagbenta lamang. At lalong mas convenient ito sa mga tao dahil konting flip lang ng inyong calling card, alam na agad nila kung anuman ang inyong negosyo.

5.    Have several phones and other means of contact—siguraduhing kapag nagsimula ng isang maliit na negosyo, mayroon kayong ilang gadget para kayo ay agad na ma-contact dahil siguradong kapag nag-click, lalong bibilis ang iyong pag-unlad. Sabi nga, ‘communication is  the best way to have a successful business.’ Kaya huwag magtipid, kung seryoso ka sa negosyong bubuksan at nais na ito’y umasenso.

6.    Prepare your marketing plan—ang isang business plan na di kumpleto o wala man lamang kahit marketing plan, sigardong hindi ito lalago. Siguraduhing detalyado ang iyong market plan, kung paano mo ito nais umpishan, sino ang iyong target o possible costumer. Kailangang mayroon din itong advertising modes at promotional strategies, at laging isaisip ang inyong adhikain. Maglaan din ng badyet para sa inyong quarterly, at annual gimmicks upang lalong maipakilala ang produktong nais na ibenta.

The post Para maging matagumpay na negosyante! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>