PATAY ang isang batang magkapatid makaraang malason sa kinaing sardinas sa Naga City.
Nabatid na hinihintay na lang ngayon ang resulta ng rectal swabbing sa magkapatid na sina Diane, 6 at Jay-Ann, 3, ng Barangay San Roque Sagumay para malaman kung ito ang dahilan ng kanilang pagkasawi makaraang malamang hindi naman kontaminado ang tubig sa kanilang lugar.
Sa kuwento ng ina ng mga bata na si Jenalyn, ginisang sardinas lamang ang kanilang kinain bago nangyari pananakit ng tiyan at pagsusuka ng magkapatid.
Ayon pa sa ina ng mga bata, kinaumagahan ay nagisnan na lamang niya ang magkapatid na wala nang buhay.
Maging ang ina ng mga bata ay isinugod din sa pagamutan nang makaramdam ng pananakit ng tiyan at paninigas ng katawan.
The post Magkapatid na paslit patay sa kinaing sardinas appeared first on Remate.