PUMANAW na ang komedyante na si Sammy Lagmay, na mas kilala sa kanyang role sa 1980s sitcom “Chika Chika Chicks.”
Nabatid na pumanaw si Sammy sa kanyang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan, dakong 3 p.m., ayon sa kanyang kapatid na si Mylene Lagmay-Mariano.
Ang burol ng actor-comedian ay gagawin sa St. Peter Memorial Chapel sa Tandang Sora, Quezon City.
Nabatid na mula taong 2010 nang makaranas ng mga komplikasyon sa diabetes ang komedyante at hindi maipagamot dahil sa kawalan ng pantustos.
The post Sammy Lagmay pumanaw na appeared first on Remate.