NAKALIGTAS ang punong barangay sa Binalonan, Pangasinan kasama ang kanyang misis at anak makaraang tambangan ng mga suspek habang papauwi sa kanilang tahanan sa Baguio.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kapitan na si Ronnel Bautista ng Barangay Mancasoy habang tinamaan sa tagiliran ang kanyang anak na babae at daplis naman sa noo ang tinamo ng kanyang misis.
Nabatid na nagawang makipagpalitan ng putok ng kapitan sa mga suspek na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.
Ayon sa kapitan, pulitika ang dahilan sa pananambang sa kanya dahil matagal na rin siyang nakakatanggap ng banta sa buhay.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ilang basyo ng bala mula sa M203 grenade launcher.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa naturang pananambang.
The post Pamilya ng kapitan tinambangan appeared first on Remate.