TINATAYANG 27 katao ang patay sa naganap na riot sa Xinjiang province sa China.
Nabatid na inatake ng grupo ng mga residente ang isang local police sa Turban Perfecture.
Nangyari ang insidente sa Turban prefecture kung saan inatake ng grupo ng mga residente ang isang local police station gamit ang itak.
Sinaksak ng mga suspek ang ilang sibilyan at sinunog ang patrol car ng pulisya.
Nagpaputok naman ang pulisya upang mapahupa ang mga nagwawala.
Umaabot sa 17 ang napatay ng mga rioters kabilang na ang siyam na security personnel at walong sibilyan habang sampu naman ang nalagas sa mga suspek.
The post 27 todas sa riot sa China appeared first on Remate.