SI JOLO REVILLA na nga siguro ang tunay na ‘Ser Chief’ sa buhay ni Jodi Sta. Maria a.k.a. Maya dela Rosa sa hit kilig-serye ng ABS-CBN tuwing umaga na “Be Careful With My Heart”.
Love na love talaga ni Jodi si Jolo at magpapatunay dito ang paglalaan ng oras ng aktres para sa taking ni Jolo bilang bagong vice governor ng Cavite.
Sa panunumpa ni Jolo ay nasa tabi niya ang ‘Maya’ ng kanyang buhay.
By the way, naganap ang oath taking kahapon (June 25) sa St. Augustine Church ng Sta. Cruz, Tanza, sa nasabing lalawigan.
Todo suporta talaga ang star ng sa kanyang darling Jolo. Kahit busy si Jodi sa BCWMH ay pumunta siya sa mahalagang okasyon na iyon para kay Jolo. Hindi ba’t bangga iyon? In fact, may shooting si Jodi sa naturang pang-umagag serye ngunit siniguro ni Jodi na makakapunta siya. Nagpaalam si Jodi na maaga siyang matapos sa shooting (i-pack-up).
Sa ginawang ito ni Jodi ay talagang makikita kung gaano niya kamahal si Jolo. Matatandaan rin na kahit busy si Jodi noong campaign period (dahil pa rin sa No. 1 serye na BCWMH) ay lumutang pa rin siya sa campaign sortie ni Jolo at bitbit pa si Ser Chief (Richard Yap).
Kaugnay pa rin nito, bukod sa jowang aktres proud na proud din kay Jolo ang mga magulang na sina Senator Bong Revilla Jr. at Bacoor Congresswoman Lani Mercado.
Pinakabatang vice gov ever!
Sa ngayon, si Jolo ang maituturing na pinakabatang vice governor sa edad na 25.
Sa batang aktor ipinagkatiwala ng mga taga-Cavite ang naturang gampanin kaya naman kay Jolo, pagbutihin mo at huwag sayangin ang tiwala ng mga Cavitenos!
Congrats Jolo.
The post Jodi love na love talaga si Jolo! appeared first on Remate.