Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Binatilyo kinuyog, malubha

$
0
0

KRITIKAL  ang kalagayan ng isang  binatilyo matapos itong pagtulungang   bugbugin at saksakin ng tatlong kalalakihan sa Brgy. San Jose,  Navotas City  kaninang madaling-araw.

 Inoobserbahan sa Tondo Medical Center si Ronald Castro y Samson,  17,  ng  #963 Policarpio St. San Jose ng lungsod sanhi ng tinamong mga bugbog at saksak sa katawan
Dalawa sa suspek ang arestado na nakilalang sina Alfredo Delgado Malela alyas  ‘Bongbong’, 25, at  si Den Albert Ogad, 19, kapwa taga Los Martirez St. habang  si Philip Villar, minor age, ng Tuazon St., ng nasabi  ring barangay ay  nakatakas.
Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling-araw naganap ang insidente sa kahabaan ng Tuazon St., ng naturang barangay.
Base sa pahayag ng saksing si Jerald Castor, 19-anyoa  magkasama silang naglalakad ng biktima at pagsapit sa nasabing lugar bigla na lamang hinarang ng  mga suspek si Ronald at agad nagbunot ng patalim si Albert at sa takot ng biktima tumakbo ito subalit pinukol ng bato ni Philip na naging sanhi ng pagbagsak nito.
Agad na nilapitan ni  Albert ang nakadapang biktima at dito na sinaksak ng ilang ulit sa katawan saka sila tumakas habang ang biktima ay dinala sa nasabing ospital.
Sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad nasakote sina  Delgado at si Albert kaya agad dinala sa presinto habang si Philip ay nakalalaya pa.
Patuloy nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya at inaalam ang tunay na motibo sa insidente.

The post Binatilyo kinuyog, malubha appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>