NALASON ang mahigit 40 elementary students sa kanilang biniling kendi at chewing gum na itininda ng isa sa mga estudyante sa Puerto Princesa City, Palawan kaninang umaga Hubyo 2.
Sinabi ni Anna May Reyes, teacher -in-charge sa San Carlos Elementary School, isang hindi pinangalanang mag-aaral sa Grade 3 ang nagtinda ng kendi at chewing gum sa kanyang mga kaklase.
Dahil mahilig talaga sa matatamis na pagkain, naengganyo, aniya, ang mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 na bumili.
Pero ilang sandali lang ang nakalipas, ilang estudyante na ang nagreklamo ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka.
Natukoy naman agad ang pinagmulan ng mga kinain ng mga batang nalason at ito ay napag-alamang napulot ng nasabing bata mula sa isang sanitary landfill at nakalagay pa umano sa garapon.
Amoy palang ng kendi at chewing gum ay siguradong babaligtad na agad ang tiyan na sinomang kakain nito.
Isinugod sa Ospital ng Palawan ang 40 hanggang 45 estudyante at sa kabutihang palad ay walang napuruhan ng lason sa mga estudyante na pawang nagpapagaling na lamang.
Ayon sa officer-in-charge ng City Schools Division na si Domingo Padol, papaimbestigahan niya kung may dapat managot sa pagkalason ng mga estudyante.
The post 40 elementary students, nalason sa kendi at chewing gum appeared first on Remate.