Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Registration para sa AE test, handa na

$
0
0

HANDA na ang registration para sa Accreditation and Equivalency (A&E) test takers mula sa Hulyo 4 hanggang Agosto 2 para sa pagsusuri na gaganapin sa Oktubre, 2013 sa 17 rehiyon sa buong bansa, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, ang A&E test ay pangangasiwaan ng Bureau of Alternative Learning System (BALS) ay tinawag din bilang “non-formal education test.”

Ayon pa sa kalihim ang pagsusuri ay maaaring ipagkaloob din sa mga visually-impaired test takers sa pamamagitan ng “Braille”.

“This is part of our continuing push to give the differently-abled learners an equal access to education,” aniya.  “It is designed to measure the competencies of those who have neither attended nor finished elementary or secondary education in the formal school system.” Ani Luistro.

Ang mga papasa sa AE ay pagkakalooban ng certificate o diploma, na pirmado ng kalihim ng DepEd, at nagsesertipika sa competency ng mga passers, na katumbas ng sa mga graduates sa formal school system.

Nabatid na ang AE para sa mga takers sa Regions 9, 10, 11, 12, CARAGA at ARMM ay nakatakda sa October 6, 2013 habang ang para naman sa mga takers sa Regions 5, 6, 7 at 8, ay sa October 13.

Ang mga kukuha naman ng pagsusuri sa Regions 1, 2, 3 at CordilleraAdministrative Region ay mag-eeksamin sa October 20 habang sa October 27 naman nakatakda ang pagsusuri sa National Capital Region, CALABARZON (Region 4-A) at MIMAROPA (Region 4-B).

Target ng AE ang mga school drop-outs, na hindi nakadalo sa formal school system, homeschoolers, at iba pa na hindi nakatapos ng basic education ngunit literate naman.

Ang AE registration, administration, at certification ay ipinagkakaloob ng DepEd ng libre.

The post Registration para sa AE test, handa na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>