Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagsuko ng mga kaanak ng Maguindanao massacre victims walang suporta kay PNoy

$
0
0

 

WALA sa bokabularyo ng Palasyo ng Malakanyang na suportahan o sang-ayunan ang anomang pakikipagkasundo o pakikipag-areglo ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre sa pamilya Ampatuans na akusado sa karumal-dumal na pagpatay sa mga journalist noong Nov. 23, 2009.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Noynoy Aquino kasunod ng pahayag na wala siyang balak suportahan ang pamilya ng mga biktima.

Nauna rito, maugong ang balitang sumuko na rin ang 14 na pamilya ng mga biktima sa pagproseso ng kaso matapos nitong i-atras ang laban sa mga Ampatuan kapalit ng malaking halaga.

Iginiit ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kahit umatras sa laban ang ilang pamilya ng mga mamamahayag, ‘di naman ito makalulusot sa mga public prosecutor dahil siguradong haharangin ito.

Ayon kay Valte, malinaw raw ang direktiba ni Pnoy para iwasan ang anomang delay sa paglilitis.

Hangad ng administrasyon na matapos ang kaso bago bumaba sa puwesto ang Pangulong Aquino.

Magugunitang maging si si Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ay bahagyang naging emosyunal matapos itong manikluhod sa pamilya ng ilang kaanak ng mga biktima ng Ampatuan massacre na ituloy ang laban at huwag pumasok sa anomang kasunduan.

Isang desperadong hakbang aniya ang ginagawa ng kampo ng mga Ampatuan upang iligtas ang kani-kanilang sarili.

Dismayado rin ang gobernador na mistulang gusto pa siyang baliktarin at idiin sa kaso, sa kabila ng malinaw na pagiging biktima nila at ng iba pang naiwang kaanak ng mga pinatay sa massacre.

Hiniling nito sa pamahalaan na gawin ang lahat ng inisyatibo para mapabilis pa ang pag-usad ng kaso at huwag mapilitan ang mga biktima na makipag-ayos sa mga Ampatuan.

 

The post Pagsuko ng mga kaanak ng Maguindanao massacre victims walang suporta kay PNoy appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan