Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bus vs motorsiklo: 1 todas, 2 sugatan

$
0
0

TODAS ang isa habang dalawa ang nasugatan makaraang banggain ng Maria De Leon bus ang isang motorsiklo na walang plate number sa Brgy. San Isidro, Candon City.

Kinilala ang namatay na si Rommel Cordova, 29, back rider, habang ang mga sugatan naman ay sina Joel Astrero, 26, binata, backrider; Denmark dela Cruz Rivera, 18, binata, driver ng motorsiklo pero walang driver’s license, pawang nakatira sa Barangay Ayudante, Candon City.

Kinilala ang mga driver ng bus na sina Rodel Paduli de la Cruz, 39, may asawa.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, papunta ng direksyon ang bus ng national highway nang biglang lumabas ang motorsiklo galing sa Alvaro St. na papunta naman ng kanlurang direksiyon.

Subalit lumampas ang motorsiklo sa linya hanggang sa mahagip ng nasabing bus.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng awtoridad ang nasabing aksidente.

The post Bus vs motorsiklo: 1 todas, 2 sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan