ISANG caretaker ng auto shop ang ginilitan ng leeg ng hindi pa kilalang suspek sa Purok 25, Malopya St., Malagamot, Panacan sa Davao City.
Nakita na lamang ng kasamahan sa trabaho na si John Posadas na wala nang buhay ang biktimang si Jonwar Duran, 22, binata, residente ng Sta. Cruz, Davao del Sur.
Natagpuan ang bangkay na sa loob mismo ng Alagan Auto Shop na pagmamay-ari ng Renato Alagon.
Lumalabas sa imbestigasyon na pinakahuling nakasama ni Jonwar ang kasama sa trabaho na isang ka Reden Cator, 22, kung saan nag-videoke ang mga ito. Ngunit ayon kay Reden, iniwanan na umano niya ang biktima at nauna na siyang umuwi.
Kasalukuyang inaalam ang motibo sa pamamaslang.
The post Caretaker ginilitan appeared first on Remate.